Wednesday, December 24, 2008

hours before Christmas, pocketbook list updates

Christmas Eve na maya maya. Naamoy ko na ang Pasko. Actually, ang naamoy ko ay ang hinahanda nila. Pumunta ako sa kusina kanina at nagtanong kung ano ang maitutulong ko. Ang naging sagot sa akin ay, "Tumayo ka lang diyan at manood."

Dahil masunurin akong bata, tumayo nga ako at nanood. Kaya lang, after about ten minutes, inumpisahan kong papakin ang strawberries na nakahain sa harapan ko. Pinigilan ko na ang sarili ko bago ko pa maubos ang strawberries. Kaya heto ako, nag-iinternet.

Naisip ko ang mga nabasa kong libro nitong nakaraang linggo. Ayun. Nabasa niyo na ba iyong Vince's Life by Vince O. Teves? Iyong dating corner sa Seventeen magazine? After almost a year, lumabas na rin ang Part 2 at pagkatapos kong bilhin ay binasa ko na kaagad. Dahil interesado akong malaman kung ano ang nangyari kay Vince after Andrea, natapos ko agad ang libro. Nagustuhan ko naman. Worth it ang paghihintay kasi maganda naman ang nangyari sa buhay ni Vince. Lalo tuloy akong napaisip kung may lalaki nga bang katulad ni Vince. Sana.

At naisip ko ring iupdate na lang ang listahan ng aking pocketbooks.

Bago pala ang listahan, gusto ko lang sabihin na hindi ko ginagawa ito dahil gusto kong ibenta ang aking mga libro. Hindi rin ako konektado sa kahit na anong publication. Hindi rin ako konektado sa mga authors, maliban na lang sa hilig ko sa pagbabasa ng mga librong sinulat nila. :)

Ngayon, heto na ang listahan ko:

Click to enlarge. Haha.

Sabi ko pala kay Jonee ang iregalo na lang niya sa akin ay ang mga kulang ko pang Kristine Series. Nakabili na raw siya ng apat. Tsaka ko na ilalagay ang mga title dito kapag natanggap ko na ang regalo niya sa akin. :)

Advanced Merry Christmas!

Friday, December 19, 2008

Christmas Medyas

Dati when I was young, I used to place medyas sa window ng aking room. I always made hiram the medyas of my sisters kasi di ba, the bigger the medyas, the manyier the candy?

Kaya lang however makikipag-unahan ako sa paggising sa umaga para makuha ko nang buo ang nightly gift ni Santa. Ngunit one night, isang gabi, naisipan naming magkakapatid na antayin si Santa. Ang natatandaan ko, kaya nila ako nahikayat magpuyat ay dahil gusto kong makakita ng flying reindeer habang ang mga ate ko ay gustong magrequest kay Santa na palitan ng Tobleron ang candy na nilalagay niya sa mga medyas namin. Sa gabing iyon, hindi namin nakita si Santa. Sa halip, kinabukasan ay walang laman ang mga medyas namin. Sinabihan kami ng yaya ko na si Santa daw ay nakatulog kagabi. Siyempre nagtanong ako, "Paano mo nalaman?" Nakita ko ang yaya kong nagkamot ng ulo sabay sabi ng, "Kain ka na lang ng chocolate, bigay ng ninang mo," sabay abot ng Tobleron na kasing laki yata ng braso ko ng mga oras na iyon. Nang mabuksan ko ang chocolate, saglit kong nakalimutan si Santa. Ngunit nang gabing iyon, bago ako matulog, nagsabit ako ng dalawang medyas sa labas ng bintana ng kuwarto ko. Kasi nga may utang siya noong isang gabi. Nakatunog naman si Santa sa nais kong mangyari. Kinabukasan pinuno niya ng assorted candy ang dalawang medyas ko.

Ngayon, hindi na ako ganoon kabata para paniwalaang si Santa nga talaga ang pumupuno sa Christmas Medyas namin. Pero minsan naiisip ko, "Malay mo?".

Happy Holidays! :)

Saturday, December 06, 2008

Manny Wins!



















(Image was taken from: Jewel Samad/AFP/Getty Images http://assets.espn.go.com/photo/2008/1206/box_g_pacquiao04_400.jpg)

Kung sa tv ka nanonood, nagsisimula pa lang ang laban nina Pacquiao at De La Hoya, sisihin natin ang delayed telecast.

Pero sa mga atat tulad ko, sumilip na lang kayo sa ESPN website.

Sinasabi ko na nga ba e. Kahit anong tutol ng mga nakakausap ko, na sa laban daw nina Manny Pacquiao at Oscar De La Hoya, mananalo si De La Hoya.

Ayon sa ESPN, "Pacquiao turns 'dream fight' into nightmare for De La Hoya". (for more, visit, http://sports.espn.go.com/sports/boxing/news/story?id=3751115).

Sa tingin mo, anong bagong sasakyan ang bibilhin ni Pareng Manny para sa mommy niya?

Ah basta, sa tingin ko, masaya ang paskong darating.

Congrats, Manny! (Ayan, feeling close na naman ako.)